Pastulan Center, Binasbasan

Taglay ang layuning mapuspos ng biyaya ang pagiging daan sa pagbuo ng mga batayang Kristiyanong sambayan, ginanap ang pagbabasbas ng Bahay Pastulan sa BUBI II, Dumantay, Batangas City, Marso 30, 2009. Ito ay pinangunahan   ni Reberendo Padre Nonie Dolor, direktor ng Social Communication ng Archdiocese ng Lipa. 

Ang nabanggit na pagbabasbas ay dinaluhan ng mga Religious of the Good Shepherd (RGS) Sisters sa pangunguna ni Sr. Mary Lydia Ebora, pangulo ng St. Bridget College, Sr. Ma. Añanita Borbon, dekana ng kolehiyo at iba pang kinatawan ng mga madre ng RGS. Nakibahagi rin sa pagtitipon ang mga guro ng College Department, mga kawani ng St. Bridget College Community Center (SBCC), mga pinuno at kasapi ng BUBI at ilang mag-aaaral sa kursong Social Work. 

Ang lugar na BUBI II sa Dumantay  ay napili ng St. Bridget College, College Department kasama ang St. Bridget Community Center (SBCC) at ang Buklod Unlad ng Batangas Inc. (BUBI)  na pagtayuan ng isang bahay upang  maging lugar para sa mga outreach programs. Ito ay tatawaging Bahay Pastulan sa BUBI II.

Ang lugar na ito ang magsisilbing sentro ng mga gawain, pagpapanday ng mga kaisipan, kasanayan at pagpapahalaga ng mga taong paglilingkuran ng College Department at mga katuwang nito.

Sa gawaing ito batid ng College Department at ang mga madre ng Mabuting Pastol na ang pagbubuo ng Kristiyanong sambayanan ay isang misyon na kinakailangan ng partisipasyon at pakikipagtuwang ng lahat ng mga naglilingkod sa tunguhing ito katulad ng BUBI, SBCC, RGS Sisters, at higit sa lahat, ang mga naninirahan at maninirahan pa dito sa BUBI II Village.

Isa na naman itong palatandaan ng kadakilaan ng Panginoon .  (contribution by Catherine Agena)

 

 

Leave a Reply