Monte Maria Board, nagpulong

Nagkaroon ng meeting ang Board of Trustees ng Mary Mother of the Poor Foundation ng Pilipinas noong September 14, 2009 sa Saint Paul retreat house sa Alfonso, Cavite upang pag-usapan ang mga updates sa paggawa ng Montemaria Shrine. Ang mga dumalo ay sina Father Fernando Suarez, Father Jeff Shannon, Father Ronilo Javines, Father Ernesto Mandanas at Bishop Salvador Quizon, Ms. Ching Cruz, Mr. Arthur Cabrera, Ms Teresas Chan, Ms Paz Monteclaro, Architect Susan Castillo, Architect Reggie Ragojos at Brother Andrew Gamilla. Ang mga sumusunod ang mga pinag-usapan:

1.  Ang Santo Niño Chapel ay matatapos sa huling linggo ng Nobyembre 2009.

2.  Ang paggawa ng House of Saint Joseph ay inumpisahan na.

3.  Ang Basilica na maglalaman ng mahigit 2,500 katao ay tatawaging The Church of Divine Mercy.

4.  Ang Montemaria Shrine site ay umaabot na sa sampung hektarya mula sa dating limang hektarya. Heto ay nadagdagan dahil sa inaasahang mga pilgrims na dadayo sa ating probinsiya.

5.  Ipinaalam ni Father Fernando ang mga bagong miyembro ng board for the Archdiocese na sina Bishop Salvador Quizon at Father Ernesto Mandanas para sa aktibong partisipasyon ng

Archdiocese sa pagsasakatuparan ng  proyektong ito sa ating probinsyang Batangas.

Muli po kayong inaanyayahan dumalo sa mga gaganaping Misa dito po sa Montemaria, Pagkilatan Batangas tuwing ika-10:00 ng umaga tuwing sabado at linggo. Ang mga sumusunod  na activities ay gaganapin sa Montemaria Shrine ngayong Disyembre 2009 at sa mga sumusunod na buwan ng 2010:

1.  Chorale Festival-presentasyon ng mga Choirs ng iba’t-ibang Barangay, 3pm sa December 31, 2009.  May  mga premyo  po ang mga mananalo.

2.  Christmas Play – presentasyon ng mga volunteers ng Montemaria, 6pm sa December 31, 2009.

3.  Eucharistic Celebration sa gabi ng bagong taon para sa Feast day of the Mother of God, kasama dito ang benerasyon ng imahen ng ina ng Diyos pagkatapos ng thanksgiving dinner sa December 31, 2009.

4.  Apatnapung (40) oras na Eucharistic Vigil Mula January 15 to 17, 2010.

5.  January 18, 2010 ang tentative date ng blessing ng Santo Niño Chapel.

/Bro. Henry Milla

Leave a comment